by: Shane
Pintig ng puso ko'y laging ikaw,
Habang ang isip ngalan mo ang hiyaw.
Paano pipigilin ang damdaming nagngangalit,
Na tanging dalangin ang makasama ka kahit saglit.
Batid na dapat ikubli itong damdamin,
Pagkat puso mo'y di laan sa akin.
Nawa'y bumilis paglipas ng panahon,
At ang puso ko ay makaahon.
O kay hirap mahulog sa laro ng pag-ibig,
kung saan ang puso'y sumisigaw habang bibig ay tikom.
Marahil sapat na ibigin ka ng lihim,
Tangan ang dalangin na ito ay magmaliw sa pagsapit ng dilim.
No comments:
Post a Comment