Wednesday, June 24, 2009

Panalangin ng Isang Kaibigan

This is one of the best gift I've ever received on my special day...a prayer made by my previous HH sister...Pearlie Duran...

MALIGAYANG KAARAWAN SA IYO!!!

Ito ang dalangin ko sa iyo ngayong kaarawan mo.


Panginoon ang aming papuri at pasasalamat sa iyo ay walang hanggan. Salamat po sa maraming biyaya na pinagkaloob mo kay Anne lalo na po sa kalooban mo na abutin nya ang taong ito ng kanyang buhay, salamat sa kanyang pamilya, kaibigan, ka opisina, mga kapatid sa SFC at sa lahat po ng taong naging parte at nagbigay ng bahagi sa buhay ni Anne. Salamat din sa kanyang trabaho at mga pinagdaanan o kasalukuyang pinagdadaanan nya na pagsubok o mga pasakit sa buhay na alam naman namin na niloob mo upang higit pong maging matatag at malakas sa pananampalataya si Anne ang lahat naman pong ito may may hangganan sa tamang panahon na itinakda mo.

Panginoon idinadalangin ko po na patuloy mong biyayaan at pagpalain si Anne sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay kasama mo dito ang kanyang mga mahal sa buhay pamilya, kaibigan, trabaho, mga plano po nya sa kasalukuyan at sa hinaharap, pagpapala din po ang aking hinihiling para sa kanya pinansiyal na pangangailangan, magandang kalusugan at pangangatawan, at ang lalaking makaksama nya sa pagbuo ng pamilya. Bigyan mo po siya lagi ng lakas ng loob at liwanag ng pag iisip para sa mga pag buo ng desisyon o plano nya sa buhay. Lagi mo po siyang gabayan at ingatan sa araw araw at akayin palagi sa tamang landas. Panginoon batid mo po ang lahat ng nilalaman ng puso ni Anne at lahat ng kanyang kahilingan alam po namin na sa tamang panahon ay ipagkakaloob mo itong lahat sa kanya, ganun pa man mangyari nawa Panginoon ang iyong kalooban.

Hinihiling ko po ito sa matamis na pangalan ni Hesus na aming Panginoon kasama ng Espiritu Santo na siyang naghahari magpasawalang hanggan.

AMEN...

No comments:

Post a Comment