Tuesday, May 12, 2009

Missing USTE

Date: 05-11-08


Nalalapit na ang 2011…soon 400 years na ang Royal and Pontifical University ng Pinas!
Hay, I missed my college days…my friends, kasama sa org and mentors.

Since, senti ako here’s a run down of the things that I miss sa USTE:

Fish balls at turon sa Co-Op (panalo!)
hmmmm. ito ang di ko pinagsawaang merienda sa USTE.

St. Raymund’s building
Dito umikot ang buhay ko…sa pag-lilipat lipat ng classroom every subject…pagpanik-panaog ng building (buti na lang may elevator pass!)…hehehe…

Sto. Tomas ice cream
Ang ice cream ni Mang Tomas...talaga naman super sa sarap!

Paskuhan (libreng food)
miss ko na ang fireworks, giant Christmas tree, intermission numbers at raffle draws na never pa ako nanalo. Ang magandang part nito during preparation kasama kami sa food testing at pag volunteer ka sa food distribution...may take home ka!

Sizzling plate (yummy!)
ok lang kahit mag-amoy usok...malasap lang ang sarap ng sizzling...wow! talaga ang mashed potato.

Main building (spooky)
kung saan ibinababa ang ikakasal or mga patay dahil mas madalas pagkamalang simbahan...na-experience ko na rin matulog dito…awooo...

UST library
Loner’s place…hideout ko…sa may Socials department…sabay aabangan si crush sa may internet room…ayihiii…

OSACS - Office for Students Affairs and Community Services
ang aking official tambayan during my college days…this office molded my character…

Baha (d’ best!)
Of course. siguradong di ito malilimot ng isang Tomasino. Kasi kung hindi mo na-experience lumusong sa tubig, ma-istranded sa loob ng classroom or tumuntong sa benches...eh siguradong di ka sa UST nag-aral. (hahaha).

No comments:

Post a Comment